Wednesday, October 5, 2011

Dalawang Pagtugon sa Pagkakataong Ibinigay ng Ama

Ngunit ano sa palagay ninyo? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa una at sinabi: Anak, pumunta ka ngayon sa ubasan at gumawa ka roon. 29Sumagot siya: Ayaw ko. Ngunit nagsisi siya at pumunta rin pagkatapos. 30Lumapit siya sa pangalawang anak at gayundin ang sinabi. Sumagot siya: Pupunta ako. Ngunit hindi siya pumunta. 31Sino sa kanilang dalawa ang gumanap ng kalooban ng ama? Sinabi nila sa kaniya: Ang una. Sinabi ni Jesus sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang mga maniningil ng buwis at mga patutot ay mauuna sa inyo sa pagpasok sa paghahari ng Diyos. 32Ito ay sapagkat dumating sa inyo si Juan sa daan ng katuwiran at hindi ninyo siya pinaniwalaan. Ngunit pinaniwalaan siya ng mga maniningil ng buwis at ng mga patutot. Samantalang kayo, nakita ninyo ito ngunit hindi pa rin kayo nagsisi at naniwala sa kaniya. (Mateo 21)




Napakasimple lamang ng Ebanghelyo natin ngayon.  Dalawang anak na sinugo ng kanilang ama. Ang isa ay ayaw subalit nagbago ang isip at tumugon.  Ang bunso ay nagsabing gusto subalit hindi tumupad.  Ang kuwento ay nagtapos sa tanong na: Sino ka ba sa dalwang anak?

Ang sagot ko ay pareho silang kumakatawan sa akin.  May mga pagkakataon na nagsasabi akong sususndin ko ang Diyos subalit hindi ko naman siya sinusunod at may mga pagkakataon naman na kabaligtaran.  Kaya sabi nga ni San Agustin sa librong The City of God, naroroon ang pagkahati ng puso ng bawat tao sa dalawa--- sa pagmamahal sa sarili at pagmamahal sa Diyos.  Karaniwan na hindi balanse ang dalawang ito sapagkat sa sobrang pagmamahal natin sa ating sarili ay nababawasan natin ang ating pagmamahal sa Diyos at sa pagmamahal naman sa Diyos kinakailangan na limutin at "kamuhian' natin ang ating sarili.  Makikita natin ang pagkakahati ng ating puso sa dalawa, halimbawa, ang mas pagpaprioritize natin sa ibang bagay o libangan kaysa sa pananalangin at pagsisimba.  O mas inuuna natin ang barkada sa ating ministries kesa sa ibang tao na di natin close subalit kinakailangan nating pakitunguhan. 

Kung kaya't dapat naroroon ang ating pagpapasya sa dalawang pagmamahal na ito.  Hindi dapat palaging manatiling neutral.  Hindi tayo dapat maging maligamgam. Gusto ng Diyos na maging mainit o kaya malamig tayo sa kanya.  But the choice should be clear.  We must chose the good of course.

Karaniwang beses kasi, naririnig na natin ang tinig ng Diyos subalit dahil sa ating pagkamakasarili, hindi tayo tumutugon.  O kaya naman, dahil nahihirapan na tayong lumaban sa tukso, nagpapaubaya na lamang tayo.  O kaya mas nagiging mas madali sa ating bumalik sa ating lumang kasalanan kesa sa patuloy na gumawa ng mabuti. 

Ang dalawang anak ay binigyan ng pagkakataong gumawa ng mabuti.  Ang isa ay tumugon, ang isa ay hindi.  We should not let opportunities pass as by.  Malay natin na huling pagkakataon na iyon o kaya may merito tayong makukuha roon.  Bawat kabutihan ay may merito.  Pero kung sakaling matagal pa bago makuha ito, ang pagiging matapat at pagkakaalam na ginagawa natin ang kalooban ng Ama ay isa nang malaking merito.

Sa linggong ito ay tinatawagan tayo ng Diyos na magtrabaho sa ubasan.  Hindi bilang utusan kundi anak na nagtatrabaho doon alang-alang sa pagmamahal sa Ama.  Huwag na tayong mag-atubili.  Dali na at sundin natin ang kagustuhan ng Ama!

No comments:

Post a Comment