Saturday, May 28, 2011

Pamana ni Hesus

Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga itinuturo. Dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Tagapagtanggol na magiging kasama ninyo magpakailanman.  Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya'y nasa inyo at siya'y mananatili  sa inyo.  Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo.  Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng mundong ito. Ngunit ako'y makikita ninyo; sapagkat mabubuhay ako, at mabubuhay rin kayo. Sa araw na iyon ay malalaman ninyong ako'y nasa Ama, at kayo nama'y nasa akin at ako'y nasa inyo. Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya at ako'y lubusang magpapakilala sa kanya. (Juan 14:15-21)



Isa sa mga nakakaantig na mga yugto ng nobela o ng isang pelikula ay ang pag-alis ng isang bida at nanagnagakong babalik sa isang di tiyak na panahon. Karaniwang ito ang climax spagkat dito tayo nagkakaroon ng interes sa takbo ng kuwento. Sa Ebanghelyo natin ngayong Linggo, si Hesus ay paalis na sa mundong ito at babalik na sa Ama.  Hindi natin alam kung kailan siya babalik. Ngunit walang nakakaalam ng araw at oras ng pagsapit niyon, kahit ang mga anghel sa langit o maging ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. (Mateo 24:36)

Di natin alam ang pagdating ni Hesus. Subali't hindi niya tayo iniwan. Iniwan niya sa atin ang Espiritu Santo na siyang magpapaalala ng kanyang mga turo at siyang magpapanatili sa ating relasyon sa kanya. Tinatawag siyang Tagapagtanggol o Paraclete. Ibig sabihin, sa mundong ito na laganap ang kasamaan, siya ang magsasanggalang sa atin at magpapanatili ng kabutihang ibinigay sa atin ng Diyos.

Ang Espiritu Santo ay mananahan lamang sa mga taong umiibig sa kanya. At ang totoong umiibig sa Diyos ay yaong tumutupad sa turo ni Hesus. Isa tayong sinungaling kung sinasabi nating mahal ang Diyos subalit hindi tayo tumutupad sa kautusan ng kanyang Anak. Ang iba sa atin ay namimili lamang ng dapat sundin. Na para bang ang Kristiyanismo ay isang canteen na kung saan pipiliin lamang natin ang mga aral ni Hesus na convenient para sa atin at gusto natin.  

Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. (Juan 14:17) Kung minsan ang kautusan ng Diyos ay labag sa kautusan at kagustuhan ng tao.  Iba ang kagustuhan ng Espiritu Santo sa takbo ng isip ng mundong ito. Halimbawa ay ang Reproductive Health Bill na isinusulong ngayon sa Kongreso. Maraming mga taong kumikilalang sila'y mga Katoliko at Kristiyano na siyang sumusuporta dito dahil ayon sa kanila ay pabor sa mga kababaihan at mahihirap. Isinasantabi nila ang kautusan ng Diyos tungkol sa buhay at kabanalan ng sekswalidad. Para sa kanila the end justifies the means. Itinuturing nilang mabuti ang isang lauyunin kahit mali ang pamamaraan. Tama ba na magkaroon ng universal access sa kontraseptibo ang lahat? Ang kontraseptibo ay labag sa kabanalan ng seks na para sa maayos na ugnayan ng mag-asawa at pagbuo ng tao. At makakadulot pa ito ng irresponsableng pakikipagtalik sa ating kapwa kabataan. Hindi masamang magbigay ng mungkahing makaaahon sa kahirapan subalit dapat ang pamamaraan ay hindi labag sa batas ng Diyos at kalikasan.

Ang Espiritu Santo ang siyang nagbibigay sa atin ng kaliwanagan kung ano ang dapat nating gawin. Siya ang nagbibigay ng karunungan sa mga taong simple at mapagpakumbaba. Siya ang lakas upang magawa natin ang mga ito sa kabila ng ating mga kasalanan at kahinaan. Siya ang nagpapalala sa atin ng ituon ang ating mga paa sa matuwid na landas sa tuwing nakakalimot tayo. Subalit ang kanyang mga kaloob ay matatanggap lang natin kung tayo ay tunay na umiibig sa Diyos. Ito ang nakasulat sa last will and testament ni Hesus na mababasa natin sa Ebanghelyo natin ngayon: sa mga tunay na umiibig sa kanya ibibigay ang Espiritu Santo. 

Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga itinuturo. (Mateo 14:15) Kung kaya't dapat na tayo ay mag-aral muna ng kanyang mga salita. Paano natin malalaman ang kanyang mga ipinag-uutos kung hindi natin ito alam? Maglaan tayo ng ilang oras bawat araw na magbasa ng salita ng Diyos at dumalo sa mga Bible conferences and seminars na libreng ipinagkakaloob sa ating parokya. At isabuhay natin kung ano ang ating napag-aralan.

Kung gayon, malaya nating matatanggap ang Espiritu Santo--- ang pamana ni Hesus, ang buhay na presensiya niya sa atin! 
 

Friday, May 20, 2011

The Way, the Truth and the Life

 “Do not let your hearts be troubled. You believe in God; believe also in me. My Father’s house has many rooms; if that were not so, would I have told you that I am going there to prepare a place for you? And if I go and prepare a place for you, I will come back and take you to be with me that you also may be where I am. You know the way to the place where I am going.”

 Thomas said to him, “Lord, we don’t know where you are going, so how can we know the way?”

 Jesus answered, “I am the way and the truth and the life. No one comes to the Father except through me. If you really know me, you will know my Father as well. From now on, you do know him and have seen him.”
 Philip said, “Lord, show us the Father and that will be enough for us.”
 Jesus answered: “Don’t you know me, Philip, even after I have been among you such a long time? Anyone who has seen me has seen the Father. How can you say, ‘Show us the Father’? Don’t you believe that I am in the Father, and that the Father is in me? The words I say to you I do not speak on my own authority. Rather, it is the Father, living in me, who is doing his work. Believe me when I say that I am in the Father and the Father is in me; or at least believe on the evidence of the works themselves. Very truly I tell you, whoever believes in me will do the works I have been doing, and they will do even greater things than these, because I am going to the Father. (John 14:1-12)




Jesus knows that there will always be times that we will be troubled. Therefore, Jesus assures his disciples that he will always be there for them. This gospel is about his discourse on the last supper wherein, he consoles his disciples regarding his immediate departure. He will be taken away form them and be killed and after he is risen, he will go back to the Father. The disciples are assured that Jesus is with them as the way, the truth and the life.

Jesus is the way. He is our mediator between God, our Father. He pleads for us and every prayer we raise to the Father which passes through him is not our prayer anymore, it is becomes his! Jesus makes sure that beautiful and beneficial things are done in our life. That is why the Church, always says in her liturgy--- Through Christ our Lord. Since as our high priest, Jesus prays for us and God truly listens to the prayers of his Son.

As the way to the Father, Jesus must also be the way that we should tread in order to reach God. Jesus--- and not religion, our prayers, sacrifices and good works. They are good, it is true but they are not the pathways in order to have authentic life on this earth and in attaining glory in heaven. They are good but incomplete if they are not focused on Christ. Even if we pray a thousand rosaries each day, or go to mass everyday or do charitable deeds but we do not really have faith and have a close relationship to Jesus Christ, we will not be saved. Having a close relationship with Jesus Christ entails rejecting sin, putting faith in Jesus,  accepting him as our personal Lord and Savior and living according to his grace. 

Jesus is the truth. The absolute truth. Everything that we need to know about this life is in him. It is not the knowledge that we gain in academic subjects but the Wisdom that we need in life. That is why the Church celebrates the life of Jesus in the whole liturgical year so that we might merit the grace of his life.  And the Church always uses the Word of God and particularly the Gospel in every liturgical celebration so that we might always benefit on the lessons of his word. 

We must take time to learn from Christ by reading the Holy Scripture and by listening to the Church as she teaches and explains the word of God. Sadly among Catholics, they just hear the Word of God at mass but they do not read it at home that is why most of us go astray from our spiritual life. We need to take time reading the Bible. I have a habit of reading three or four chapters of the Bible before I go to sleep and I finish reading the whole Bible in a year. It just takes about fifteen to twenty minutes of your time each day and it is worth doing it considering you are investing for eternity! St. Jerome once says: The ignorance of the Scripture is the ignorance of Christ. However, reading and studying Christ's words is not enough. We must apply in our lives every truth that we learn form Christ. 

Jesus is the life. In him, we have authentic life. Last Sunday we hear in the Gospel that he says: I have come that they may have life, and have it to the full. (John 10:10) We benefit from his life, death and resurrection. By configuring our life to his, by putting our faith in him and living in his Truth, we gain eternal life. That is why as we see in the sacraments, Jesus, through the Church, is with us in our whole life! After we are born (Baptism), when we are spiritually sick (Confession), when we are hungry in our spiritual life (Eucharist), when we grow up (Confirmation), when we chose to serve the people of God as our vocation (Holy Orders), when we pledge our love to someone to found a family (Matrimony) and when we are physically sick and we prepare to meet God (Holy Anointing). And we also see Jesus truly alive and continually giving life in Basic Ecclesial Communities, in every Charismatic Group, in seminaries and monasteries, in every family or youth gathering and in every good deed that we do as a Christian. There is light, joy, peace and vitality. It speaks of life!




As Christians, baptized into union with Christ, we must live our life in configuration to Christ. St. Paul describes true life in Christ when he says: I have been crucified with Christ and I now live not anymore in this mortal body but by faith in The Son of God who died for me and gave himself for me. (Galatians 2:20)  Then we will have Christ's promise in the Gospel: My Father’s house has many rooms; if that were not so, would I have told you that I am going there to prepare a place for you? And if I go and prepare a place for you, I will come back and take you to be with me that you also may be where I am. You know the way to the place where I am going.” (John 14:1-2) If Jesus is our way, truth and our life--- we are assured of a place in heaven! There are mansions for us there--- God's promise to his faithful children. Who among us are excited to dwell in these mansions? 

Saturday, May 14, 2011

Modelo ng Mabubuting Pastol

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: Pakatandaan ninyo, ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi sa pinto nagdaraan, kundi umaakyat sa di dapat pagdaanan ay magnanakaw at tulisan. Ang tunay na pastol ay sa pintuan nagdaraan. Pinapapasok siya ng gwardiya, at pinapakinggan ng mga tupa ang kanyang tinig. Tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang pangalan, at inilalabas sa kulungan.  Kapag nailabas na, siya'y nangunguna sa kanila at sumusunod naman ang mga ito sapagkat kilala nila ang kanyang tinig.  Hindi sila sumusunod sa iba, kundi patakbong lumalayo, sapagkat hindi nila kilala ang tinig ng iba.  Pakatandaan ninyo, ako nga ang pintuang dinaraanan ng mga tupa. Ang mga nauna sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa.  Ako nga ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas. Papasok siya't lalabas, at makakatagpo ng pastulan.  Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap. (Juan 10:1-10)



Sa linggong ito ay ipinagdiriwang natin ang Linggo ng Mabuting Pastol o Good Shepherd Sunday. Ngayon din ang linggo ng pananalangin para sa iba't ibang bokasyon ng buhay at para sa mga lider ng ating Simbahan at gobyerno.  Sa liturhiya natin sa linggong ito, ipinakikita ang halimbawa ni Hesus bilang pastol na nagkaloob ng kanyang sarili para sa kanyang kawan.

Si Hesus bilang mabuting pastol ay isa ring pinto na siyang dinaraanan ng mga tupa.  Ang tunay na pastol na nangangalaga sa kanyang kawan ay sa kanya dapat dumaan. Sinasabi ni Hesus sa Ebanghelyo natin ngayon na ang hindi dumaan sa kanya ay hindi matatawag na pastol kundi isang magnanakaw o tulisan. Katulad din ito sa ating mga bahay. Hindi natin maituturing na kaibigan ang isang taong hindi pumasok sa pinto kundi sa bintana. Matatakot tayo at magagalit kapag nakita nating may taong pumasok sa bintana na hindi natin kilala. At magtataka tayo kapag ang ating kaibigan ay pumasok lang sa bintana at di man lang kumatok sa pinto. Sa ating paglilingkod, ipinakikita na sa kanya tayo dapat dumaan bilang mga youth leaders sa ating parokya at sambayanan.

Dumaraan tayo sa pinto ni Hesus kung ang ating buhay ay nakaangkop sa kanya. Siya dapat ang daraanan natin bago tayo makapaglingkod sa kanyang kawan. Ito ay kung ang intensyon natin sa paglilingkod ay katulad sa kanya. Magandang suriin natin ang ating mga intensyon kung ito ba ay tungkol sa paglilingkod o sa ibang pansariling kadahilanan. Kung hindi kasi maganda ang intensyon, mawawala tayo kapag naroon na tayo sa mga sandali ng krisis o mga problema. Ang isang intensyon kasi ang batong pundasyon ng lahat ng ating mga ginagawa. Kung hindi matibay ang pundasyon, ang ating paglilingkod ay nasisira sa madaling panahon.

Dumaraan tayo kay Hesus kung ang ating buhay ay maituturing na kalugod-lugod sa kanya. Hindi ko sinasabing dapat ay maging mga santo tayo bago natin paglingkuran ang kanyang kawan. Subalit, kahit papaano ay malinis tayo at malaya sa mabibigat na kasalanan. Paano tayo makagagawa ng malalaking bagay sa iba kung ang maliliit na isyu natin sa ating mga sarili ay di natin maisaayos? Sa tingin ba natin ay mapaglilingkuran natin ng maayos ang iba kung di sa atin nakikita si Hesus? Minsan kasi, marami tayong nagagawang malalaking bagay sa iba. Kaya nating magsakripisyo o isawalang bahala ang mga personal nating kagutuhan upang gawin ang ating misyon pero hindi natin ito personal na mai-apply sa ating buhay sekswal o sa ating pamilya. Isa pa, sa aking personal na karanasan, mabigat sa loob at di ka totoong masaya  kapag nakapaglililingkod ka subalit alam mong mayroon kang tinatagong kasalanan. Marapat na suriin din natin sa ting sarili kung ang ating buhay ba ay malinis at nakalulugod sa Diyos.

Ang pagdaan kay Hesus ay nangangahulugan na ang ating buhay ay maging katulad sa kanya bilang mabuting pastol. Katulad sa kanya na mabait, maamo, mayroong dedikasyon sa paglilingkod, nagsasakripisyo at patuloy na nangangalaga. Hindi niya iniiwan ang mga tupa kapag nagkaroon ng mga problema sa kawan o kahit ang kanyang buhay ay nasa panganib. Bagkus ay sinusuong niya ang panaganib upang mailigtas ang mga tupa.

Sa Israel noong kapanahunan ni Hesus, isang simple subalit napakadelikado at mahirap ang buhay ng isang pastol. Ang mga tupa kasi ay maituturing na mga malamya at mahihinang mga hayop. Minsan ay nawawala sila sa kagubatan o nahuhulog sa mga matatarik na bangin. Naroon din ang mga leon, lobo o oso na kakain sa kanila at minsan ay may mga tulisan na gagamit ng dahas upang nakawin ang mga tupa. Obligasyon ng isang pastol na bantayan ang mga tupa na walng mawala isa man sa kanila at labanan ang mga hayop o tao na magdadala sa kanila sa panganib. Ang pastol din ang siyang magdadala sa mga tupa sa sabsaban, himlayan at batis na pag-iinuman at siya rin ang tumutugtog sa mga ito ng harpa o plawta. Ganun din ang ating obligasyon na tularan si Hesus at ipagsanggalang ang mga kapawa natin kabataan kapag sila ay nahaharap sa mga di magagandang elementong makakasira sa kanilang values at pag-iisip.

Sinsabi rin sa Ebanghelyo na ang sinumang dumaraan kay Hesus na siyang pinto ay pinakikinggan ng mga tupa. Hindi pakikinggan ng mga tupa ang hindi pumasok sa pinto sa pag-aakala nilang hindi sila ang mga tunay na pastol kundi mga tulisan at magnanakaw. Sa ating goal na maparami ang bilang ng youth members ng ating parokya, magiging effective lamang ito kung daraaan tayo kay Hesus. Ang mga ginagawa natin ay di magiging mabisa kapag ang paglilingkod natin ay hindi nakaugat kay Hesus na siyang modelo ng mga mabubuting pastol.

Nawa ay ipanalangin natin na katulad ni Hesus ay magampanan natin ng maayos ang ating mga tungkulin bilang mga youth leaders sa ating parokya at Simbahan.



Ani ni San Pedro: Alagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Alagaan ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang. Iyan ang nais ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa nila kayo. At pagparito ng Pinunong Pastol ay tatanggap kayo ng maluwalhating koronang di kukupas kailanman. At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa mga pinuno ng iglesya. Magpa-kumbaba kayong lahat sapagkat nasusulat, "Sinasaway ng Diyos ang mapagmataas, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban."  Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon.  Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.  Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na naghahanap ng masisila. Huwag kayong matatakot sa kanya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng ganitong kahirapan, kundi pati ang inyong mga kapatid sa buong daigdig. Pag-katapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo.  Sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman! Amen. (1 Pedro 5:2-11)

Saturday, May 7, 2011

Seeing with the Eyes of Christ

Now that same day two of them were going to a village called Emmaus, about seven miles from Jerusalem. They were talking with each other about everything that had happened. As they talked and discussed these things with each other, Jesus himself came up and walked along with them; but they were kept from recognizing him. He asked them, “What are you discussing together as you walk along?”
 
They stood still, their faces downcast. One of them, named Cleopas, asked him, “Are you the only one visiting Jerusalem who does not know the things that have happened there in these days?”

“What things?” he asked.

“About Jesus of Nazareth,” they replied. “He was a prophet, powerful in word and deed before God and all the people. The chief priests and our rulers handed him over to be sentenced to death, and they crucified him; but we had hoped that he was the one who was going to redeem Israel. And what is more, it is the third day since all this took place. In addition, some of our women amazed us. They went to the tomb early this morning but didn’t find his body. They came and told us that they had seen a vision of angels, who said he was alive. Then some of our companions went to the tomb and found it just as the women had said, but they did not see Jesus.”

He said to them, “How foolish you are, and how slow to believe all that the prophets have spoken! Did not the Messiah have to suffer these things and then enter his glory?” And beginning with Moses and all the Prophets, he explained to them what was said in all the Scriptures concerning himself.
As they approached the village to which they were going, Jesus continued on as if he were going farther. But they urged him strongly, “Stay with us, for it is nearly evening; the day is almost over.” So he went in to stay with them.




When he was at the table with them, he took bread, gave thanks, broke it and began to give it to them. Then their eyes were opened and they recognized him, and he disappeared from their sight. They asked each other, “Were not our hearts burning within us while he talked with us on the road and opened the Scriptures to us?” 

They got up and returned at once to Jerusalem. There they found the Eleven and those with them, assembled together and saying, “It is true! The Lord has risen and has appeared to Simon.” Then the two told what had happened on the way, and how Jesus was recognized by them when he broke the bread. (Luke 24:13-35)

"It is only in one's heart that one can see rightly. What is essential is invisible to the eye." It is my favorite line from the book, The Little Prince by Antoine De St. Exupery. The two disciples haven't recognized Jesus when he went with them on the way. It was only when Jesus explained to them everything written in the Scriptures that they feel their hearts burning and when Jesus consecrated the bread that they recognized him. In the same way, in our lives, Jesus is always with us as he had promised (Matthew 28:19) but we just fail to recognize his presence. It is when we see the world in the perspective of the Risen Christ that we feel, recognize and witness his presence. 

What do I mean when we see the world in the perspective of Christ? I will give examples. The apostles of Jesus were unlearned unlike the scribes and Pharisees. Most of them were fishermen and others were ordinary folks. Gospels says that they were wondering and asking among themselves what Jesus is telling them. They have doubts and fears. But after the resurrection of Christ, they became brave proclaimers of the Gospel. They speak with wisdom that the learned men of that time cannot refute them. They can even speak to emperors and kings. They do miracles in the name of Christ--- they heal all sorts of diseases and disabilities, exorcised demons and bring dead persons back to life. They inspire people and they were ready to leave their own homes and families and go to foreign countries just to bring the good news. And later, if during the arrest of  Jesus they abandoned him, they were now ready to give their lives in witness to the truth. These disciples see the world not of ordinary eyes but seeing them in the light of Christ, they see how it needs reform and how it needs to feel its belonging to Christ.

If you see the world in the eyes of Christ, you will see people who irritate you or causing you sadness not as your enemies but as persons needing your help in order to lead them to good ways. You will understand that these persons perhaps needs attention that they lack at home and you need to feel them being accepted. That is how St. Therese sees. When confronted by her fellow nun who irritates her saying, "Tell me, why is it that when you see me, you smiles." she replied, "I see Jesus in you."

If you see the world in the eyes of Christ, you will see your problems not as a burden but as an opportunity of grace. You will stop complaining to the Lord why he gave you trials but you will even thank God that these problems give you lessons in life that will make you closer to him. Seeing the world in the eyes of Christ allows you to see yourself as a sinner but in your littleness and weaknesses, God allows you to become a vessel of his grace. You have that confidence and you do not feel discouraged by your shortcomings but allow God's grace to work in you.

Thanks to the eyes of Christ we see the world in the midst of ugliness as beautiful. We see how God loves the world in spite of man's sinfulness and pride that causes chaos. We see how the world needs our hands to continue Christ's work. We see what we can do in order to help the world have its beauty according to the mind of God. We learn to appreciate more his wonderful works. St. Francis of Assisi sees all creatures in the world as his brothers and sisters. He thank God for Brother Sun, Sister Moon, Brother Wind, Sister Rain and Mother Earth. That is why he exhorts his fellow friars to love God's creation.

We cannot see the way how Christ sees unless we develop close relationship to him.  Not just a close relationship but an intimate relationship. It is like our human relationships. For example, you are totally different from another person. But if that person becomes your best friend, you changes. Whether you believe it or not, you are influenced in many ways. The way you speak or the way you behave will resemble your best friend. You will share a lot of similar points of view regarding various topics. You will love the persons or things that he loves. You will never do anything that he dislikes especially if he sees it or he knows about it. You are there to help him at all times. So if we accept Christ's invitation to be our best friend, we become more and more like him. That is why the season of Easter allows us to recall and live the true meaning of our baptism by which we reject sin, we profess our faith and we accept Christ as our Lord and Savior.

I pray that may the Risen Christ allow us to see how he sees. Then we will be able to understand each situation the way he understands, love others the way he loves and serve the Father the way he serves.

Thursday, May 5, 2011

Small in Size, Giant in Spirit

Today, the sixth of May, is the feast day of one of my most admired saints. He is St. Dominic Savio, a  student of St. John Bosco. He is the youngest non-canonized martyr of the Catholic Church. He lived an exemplary life prior to his death by the age of fourteen. He is the patron saint of children choir members  and juvenile delinquents.


St. Dominic was born in a devout Catholic family on April 2, 1842 in Turin, Italy. However, he grew up in Murialdo. Due to the pious example of his mother, Dominic grew up praying a rosary and going to mass everyday. In the age of five, he learned to serve at mass. In that time, it is customary for children to be allowed to go to confession by the age of twelve. But since the parish priest saw how Dominic in his young age, already has a deep desire to go to confession and receive communion and that he already understand the catechism about the sacraments, he was permitted to go to confession and receive the First Holy communion by the age of seven. In his later years, Dominic described that day as the happiest day of his life. And on that day as well, he made four promises which he wrote on his little notebook:

1. I will go to Confession often, and as frequently to Holy Communion as my confessor allows. 
2. I wish to sanctify the Sundays and festivals in a special manner. 
3. My friends shall be Jesus and Mary.
4. Death rather than commit a sin.

It was 1854 when Dominic with his father met St. John Bosco when he took his students in Murialdo. Dominic expressed his desire for priesthood under his guidance and St. John Bosco agreed to take him to the Oratory of St. Francis de Sales in Turin.

His favorite topic is about sainthood. The words of Don Bosco that impressed him are;

1. That it is God's will that each one should become a saint. 
2. That it is easy to become a saint.
3. That there is a great reward waiting in heaven for those who try to become saints.

In the Oratory, he resolved to become a saint. He lived an exemplary life of prayer and penance. He diligently followed school rules, happily listened to sermons and catechisms, fasted on just bread and water on certain times, doing acts of sacrifices like putting stones on his bed, wearing a hair shirt and not trying to defend himself when falsely accused. He chose his companions carefully and he frequently instructed them to avoid certain bad habits like swearing and cursing. There were instances when he did not join swimming and recreation to avoid hearing his friends saying bad words.

When the Dogma of the Immaculate Conception was proclaimed on 1854, he had a stronger devotion to Mary Immaculate. In his young age of twelve, he founded the Solidarity of Mary Immaculate, which aims to honor Mary in various means and to encourage frequent communion. Many members of the solidarity also lived exemplary lives and some became priests. Later when his health was deteriorating due to a severe cough, he offered his illness in honor of the Passion of our Lord and to Mary Immaculate. Doctors describe how he remained calm during blood letting and other painful medical treatment which when asked, Dominic would reply that Christ did the same on the cross. St. Dominic Savio died due to the inflammation of respiratory system on March 9, 1857 while listening to his father reading his favorite book, Exercise of Happy Death to him.

A month after his death his father had a vision of him as written in his diary: "I was in the greatest affliction at the loss of my son, and was consumed by a desire to know what was his position in the other world. God deigned to comfort me. About a month after his death, during a very restless night, I saw, as it were, the ceiling opened, and Dominic appeared in the midst of dazzling light. I was beside myself at this sight, and cried out: "O Dominic, my son, are you already in Paradise?" "Yes," he replied, "I am in Heaven." Then pray for your brothers and sisters, and your mother and father, that we may all
come to join you one day in Heaven." "Yes, yes, I will pray," was the answer. "Then he disappeared, and the room became as before."

His life truly impressed his spiritual mentor, St. John Bosco that soon after his death,  inspired him to write a book about him entitled, The Life of Dominic Savio. He was considered "a living saint" by Don Bosco. His biography as well as the witnesses of those whom he had left became the basis of his canonization although some bishops argued that he is too young to be declared a saint. St. Pius X, who was the pope at that time insisted that this was not so, and started the further study of his life to process canonization.  Dominic Savio was declared Venerable in 1933 by Pope Pius XI, was beatified in 1950 by Pope Pius XII, and declared a saint in 1954. Pope Pius XI described him as "small in size, but a towering giant in spirit."

The life of St. Dominic Savio shows that holiness is not a matter of age and state of life. We are called to be holy whether we believe it or not, whether we believe it is impossible for us or not. We can do good things if we chose to and we can stay away from sin if we have that firm resolution to do so. And we have good friends to help us in our resolution, our spiritual directors, the priests are there to hear our confessions and to give us fatherly advice. And there are our good friends and our parents. And in case they failed to be holy, we have Jesus in the sacraments especially in the Holy Eucharist and his words are also in the Holy Scriptures. And there is Mary who never fails to help us and "never was it known that anyone who fleds to her protection was left unaided." 

Being the patron saint of choir members let us pray to God through his intercession that these children, as well as the youth leaders may grow up with the true love of God and in their young age, lead their fellow youth closer to holiness. 
 
We also pray for the "unchurched" youth that through his patronage, they may be able to know and understand their rightful place in the Church and in the community.

St. Dominic Savio, pray for us!

Monday, May 2, 2011

Ang RH Bill ayon sa Banal na Kasulatan

Ani Hesus: "Mapapalad ang mga may busilak na puso sapagka't makikita nila ang Diyos (Mateo 5: 8).


Ang pagkakaroon ng malinis na puso.
Ang ibig sabihin ng kalinisan ay paggamit sa ating sekswalidad ayon sa hangarin ng Diyos. Ang may asawa ay dapat magmahal at maging tapat sa kanilang asawa at magkaroon ng anak. Ang walang asawa naman ay dapat umiwas sa anumang gawaing sekswal. Ang kalinisan ay posible sa tulong ng panalangin, pagdisiplina sa sarili, at pag-iwas sa paanyaya ng tukso. Ang taong may malinis na puso ay magiging masaya at pagpapalain ng Diyos. Sinasabi sa Banal na Kasulatan: Mapalad ka na may takot sa Panginoon, na lumalakad sa kanyang daan. Kakainin mo ang bunga ng iyong pinaghirapan, pagpapalain ka at papalarin sa lahat. Mapalad ang iyong maybahay, ang mabungang punong-ubas ng iyong tahanan. Mapalad ang iyong mga anak, mga supling ng olibo sa iyong hapag (Salmo 128: 1-3).


Ang pang-anim na utos ng Diyos.
Waring payak at tahasan ang pang-anim na Utos, "Huwag kayong mangangalunya" (Exo 20: 14; Deut 5: 17). Pinagbabawalan nito ang mga taong may-asawa na makipagtalik sa iba maliban sa kanilang asawa. Nguni't para sa mga sinaunang Israelita, ang kahalagahan ng Utos na ito ay higit na panlipunan kaysa sekswal. Nilalayon nitong pangalagaan ang pamilya, ang pangunahing sangkap ng lipunan. Tuwirang tinitingnan ang pamilya at pag-aasawa sa pananaw ng dalawang kasaysayan ng paglikha sa aklat ng Genesis. Nilikha ng Diyos ang tao na lalaki at babae upang hindi mag-isa ang lalaki (Tingnan Gen 2: 18) at upang magparami at punuin ang daigdig (Tingnan Gen 1: 27-28).

Samakatuwid, ang kasarian ay para sa kaganapang pantao at pagpaparami ng lahi. Kaya, bagama't nakatuon sa tiyak na ugnayan ng pag-aasawa, may kinalaman ang pang-anim na utos sa pinakabalangkas ng pantaong sekswalidad, sa buong larangan ng ugnayang lalaki-babae, at sa ating pangkalahatang tawag sa pagmamahal at pakikipang-isa (Tingnan CCC, 2331).

--o--o--o--o--

Ang wastong paghubog sa konsensiya ay daan upang mapangalagaan ang sambayanan mula sa panganib na dala ng kulturang nagpapahamak sa pamilya at buhay. Kinakailangang ihubog ang ating konsensiya na nakaugat sa kalooban ng Diyos para sa pamilya, buhay at pagiging responsableng magulang, at nang sa gayo'y maisabuhay natin ang ating pananampalataya.

Ang mamamayang sumasampalataya ay taglay nang buong-buo ang mga konseptong may kinalaman sa mga sumusunod:


Masusing pagkakaunawa sa pagtingin ng Diyos sa buhay: “Nilikha niya ang lalaki at babae, sa kanyang larawan nilikha sila” at “lubos siyang nasiyahan.” (Genesis 1:27.31);

Pag-alala na nilikha ng Diyos ang sakramento ng kasal at “dahil dito iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at sasama sa kanyang asawa, at ang dalawa ay nagiging isa.” (Genesis 2:24) Ito ang niloloob ng Diyos at hindi pinili lamang ng tao upang kanyang baguhin.

Hinggil sa pagiging Responsableng Magulang: Ang malalim na ugnayan ng pagtatalik at biyaya ng buhay ang nagpapahayag na ang mag-asawa ay may bokasyong magbigay buhay at may pananagutang mag-alaga sa kanilang magiging mga anak. Kaya ang pagiging responsableng magulang ay nangangailangan ng pang-unawa sa katawan at prosesong pisikal hinggil sa pagbubuntis, kasama ang kaalaman sa panahon kung kalian maaaring mabuntis ang asawang babae. Katulad ng ibang damdamin (galit, takot, hilig sa pagkain, at iba pa) ang damdaming sekswal ay kinakailangang kontrolado ng pag-iisip at hangarin. Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga mabubuting katangian at pagiging tapat sa sariling asawa.

Kabilang sa pagiging responsableng magulang ang pagpapasya ng mag-asawa hinggil sa (1) pagpalaki at pag-alaga ng malaking pamilya batay sa kanilang kakayahan, o (2) kaya’y huwag munang mag-anak kung may mga malubhang dahilan (kalusugan, kalagayang ekonimikal, sosyal, sikolohikal at iba pa). (Humanae Vitae 10)

Ang pagiging responsableng magulang ay walang kinalaman sa paggamit ng kontrasepsyon katulad ng mga iminumungkahi ng ibang programa sa kalusugang pangreproduktibo ["R.H. Bill']. Ang pagtatalik ay angkop lamang sa konteksto ng kasal dahil ito ay tapat, permanente, eksklusibo sa pagitan ng isang lalaki at isang babae, at bukas sa pagtanggap sa biyaya ng buhay.

Ang pagiging responsableng magulang ay wala ring kinalaman sa pagpilit sa mag-asawa sa direkta o indirektang paraan, na magkaroon lamang ng isa o dalawang anak. Hindi ito programang kumokontrol sa bilang ng populasyon. Walang karapatan ang pamahalaan o ang Simbahan na magdikta sa mga mag-asawa kung ilan ang bilang ng kanilang mga anak. Ang pagpapasya sa pagkakaroon ng malaki o maliit na pamilya ay tanging nasa mag-asawa lamang.

Pagkakaiba ng paglilikha at pagpaparami. Ang reproduction o pagpaparami ay ang proseso ng pagdagdag sa bilang ng mga bagay na may buhay upang magpatuloy ang pag-iral nito. Nauukol ito sa ibang uri ng buhay at hindi sa buhay ng tao. Ang pagpaparami ng halaman o hayop ay hindi nangangailangan ng malalalim na ugnayan katulad ng sa tao. Sa kabilang banda, ang pro-creation o paglilikha ay ang tamang kataga para sa paglikha ng tao. Tumutukoy ito sa pagmamahalan at pagtatalik ng mag-asawa na bukas sa posibleng paglikha ng Diyos sa isang buhay ng tao. Ang paglilikha ay nangangahulugan ng pakikiisa ng mga magulang sa Diyos bilang mismong bukal ng buhay. Ang mga katangiang ito ng paglilikha ay hindi ito matatagpuan sa pagpaparami ng mga hayop at halaman.

Ang pagtatalik ng mag-asawa ay pangungusap na nagsasaad ng dalawang kahulugan: pagkakaisa (unitive) at paglilikha (procreative). Sa pagtatalik ng mag-asawa, ganap na ipinagkakaloob ng babae at lalaki ang kanilang sarili sa isa’t isa sa pamamagitan ng kanilang katawan. Sinasabi nila sa isa’t isa, “Ipinagkakaloob ko ang aking buong pagkatao sa iyo, minamahal kita at at tinatanggap ko ang iyong buong pagkatao; tayo ay iisang laman.” Ito ang ibig sabihin ng pagiging isa ng mag-asawa. (Basahin ang Humanae Vitae)

Dagdag pa rito, dahil sa pisikal na kaanyuhan at katangian ng lalaki at babae, possible ang paglilikha ng buhay sa sandaling nagkaroon ng pagtatalik. Sa gayon karugtong sa pagbubuo ng buhay ang pagtatalik ng mag-asawa. Sa ganap na pagtanggap ng mag-asawa sa isa’t isa, sinasabi nilang, “Dahil mahal kita at tinatanggap kita sa iyong kabuuan, pati ang gampanin ng iyong katawan, buo ko ring tinatanggap ang posibilidad ng pagkakaroon ng bunga ang ating pagmamahalan, ang biyaya ng pagkakaroon ng panibagong anak.” Kung sa ganon, hindi mapaghihiwalay ang dalawang kahulugan ng pagkakaisa at paglilikha.


Ang mga aklat na gumagamit ng salitang reproduction (pagpaparami), at hindi procreation (paglilikha), kahit nakalaan para sa mga paaralang Katoliko, ay kailangang suriin kung mayroong pananaw na maka-kontraseptibo. Kinakailangan itong ituwid upang hindi makadagdag sa pananaw na tama ang paggamit ng kontrasepsyon. Malilito ang mga mag-aaral hinggil sa malinaw na turo ng Simbahan tungkol sa halaga ng pamilya at buhay. Maaari ring magdulot ng pagkalito kung ipapantay natin sa turo ng Simbahan ang pananaw ng ilang mga teologo na may taliwas na pag-unawa sa mga pagtuturong ito.

Hango sa mga sumusunod:
Katesismo para sa mga Katolikong Pinoy
KATESISMO ng Kabataang Pilipino, Sons of Holy Mary Immaculate, Quality Catholic Publications

(reposted from www.facebook.com fanpage: I Oppose RH Bill 3 May 2011. Orginally entitled as
CFA = Chastity, Fidelity, Abstinence. This serves as an acknowledgment.)

Sunday, May 1, 2011

Sumainyo ang Kapayapaan!

Kinagabihan ng araw ng Linggo, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakasara ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila. Sumainyo ang kapayapaan! sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Nang makita nila ang Panginoon, tuwang-tuwa ang mga alagad. Sinabi na naman ni Jesus, Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong isinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo. Pagkatapos, sila'y hiningahan niya at sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patatawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga, subalit ang hindi ninyo patatawarin ay hindi nga pinatawad. (John 20:19)




Mapapansin natin na ang mga alagad ay natatakot pa rin sa mga Judio. Maaring sila ay naliligalig sapagkat di nila alam ang kanilang gagawin ngayong wala na si Hesus. Lahat ng kanilang mga itinaya para sa kaniyang pangalan ay nabaliwala. Hindi nila alam kung paano magsisimula muli. Para silang mga tupang nagkawatak-watak nang hulihin ang pastol. Maaring di nila alam kung magkakatipon-tipon pa ba sila o magkakanya-kanya na ngayong wala na ang kanilang Panginoon.

Subalit naroon ang kapayapaang bigay ni Hesus. Nagbigay-linaw ito sa kanilang isipan. Sinasabi sa Ebanghelyo na hindi na sila naguluhan ngayong nakita nilang buhay ang Panginoon at di nila alam kung paano ito nangyari. Bagkus ay naroon ang kagalakan at pag-asa. Hindi na sila takot sa mga Hudyo kundi handa na nilang sundin ang mga yapak ni Hesus sa pagpapahayg ng pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan.

Hindi nagalit si Hesus sa kanyang mga alagad gayong iniwan siya ng mga ito noong bago siya pahirapan at patayin. Pinatawad ni Hesus si Pedro na nagtatwa sa kanya at si Tomas na nag-alinlangan sa kanya. Itinuring kaibigan niya pa rin sila at parang walang nagbago. Ipinakita niya ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng kaloob ng Espiritu Santo.

Ang Espiritu Santo ang nagkakaloob sa atin ng biyayang maging katulad ni Kristo na nagpapatawad ng kasalanan at nagkakaloob ng kapayapaan sa iba. Siya ang tumutulong sa atin na maging buhay na larawan ni Hesus sa mundong magulo at walang katiyakan. Siya ang nagpapatatag sa atin sa mga pagkakataong nanghihina tayo at nawawalan ng pag-asa.

Maaring tayo ay katulad ng mga alagad--- takot, walang tiwala sa sarili, nababagot, nalilito, subalit nariyan ang presensiya ni Hesus na dala ang kaloob ng Espiritu Santo na nagbibigay ng kapayapaan, kaliwanagan at kagalakan sa sanlibutan. Maaring katulad tayo ni Tomas--- nawawalan ng pananampalataya, subalit, nariyan ang walang-hanggang awa ng Diyos na pumapawi sa ating kasalanan at nagpapatatag ng ating loob at tiwala sa Diyos.

Ito ang walang hanggang awa ng Diyos na natuklasan ni Sister Faustina Kowalska, isang madreng Polish. Ipinahayag niya na mahal na mahal ng Diyos ang mundo at sa kanyang mga visions ay malugod na inaanyayahan ni Hesus ang lahat na huwag mag-alinlangan at mag-atubiling lumapit sa kanyang awa. Inilalarawan ni Sister Faustina na ang awa ng Diyos ay higit na mas malawak sa karagatan at ang ating mga kasalanan ay para lamang maliit na batong nakalubog doon. Inaanyayahan ni Hesus ang lahat na huwag isiping napakalaki ng ating kasalanan na hindi mapapatawad ng Diyos o wala na tayong pag-asa pang magbago o magbalik-loob. At ni kailanman ay di tayo pinabayaan ng Diyos sa kabila ng ating mga paghihirap at pakikibaka sa buhay. Nariyan ang maawaing Diyos taglay ang pag-asa at kagalakang handog sa lahat ng umaasa sa kanyang walang-hanggang awa.

Ang problema sa atin minsan ay hindi natin nakikita ang kamay ng Diyos na siyang gumagabay sa bawat takbo ng ating buhay. Ang mga problema ay pinahihintulutang mangyari upang makita nawa nating challenge o aral na bigay ng Diyos upang tayo ay maging mas matatag, matuto at mas dumulog sa kanya at hindi sa ating pansariling talino at kakayahan.

Si Hesus na nabuhay na mag-uli ay nagkaloob ng Espiritu Santo at ang kanyang walang-hanggang awa. May isang kasabihan na ang regalo ay hindi magiging regalo kapag hindi tinanggap. Ito ay libreng kaloob ng Diyos kay Kristo. Bakit pa natin ipipinid ang pinto at mga bintana ng ating kasalanan at pagkamakasarili at hindi tanggapin ang mga kaloob niya?


O Hesus, Hari ng Awa kami ay nananalig sa Iyo!