Saturday, July 23, 2011

Tanging Yaman

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesús sa mga tao: “Ang Paghahari ng Diyós ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laki ng tuwa, siyá’y humayo at ipinagbili ang lahát ng ari-arian niyá at binili ang bukid na iyon. Gayundin naman, ang Paghahari ng Diyós ay katulad nito: may isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga, siyá’y humayo at ipinagbili ang lahát ng kaniyáng ari-arian at binili iyon." (Mateo 13:44-46)



 Kung ikaw ay bibigyan ng tatlong kahilingan, ano ang mga hihingin mo?

Maaring ang iba sa atin ay hihingi na maging mayaman, o kaya naman ay maging maganda o guwapo, o kaya naman ay maging matalino o maging sikat.   Maaring ang iba sa atin ay humingi ng isang taong magmamahal sa kanya. 

Subalit, may mga taong hindi mayaman subalit masaya.  May mga taong pinagkaitan ng hitsura o intelektwal na kakayahan subalit hindi nagrereklamo o nghihinanakit sa buhay.  May mga taong hindi sikat subalit mas maayos pa ang buhay sa di sikat.  At may mga taong walang asawa subalit kontento at hindi naghahangad na magkaasawa pa.

May mga taong iniiwan ang kanilang mga trabaho kahit ito ay maayos para lamang umanib sa isang samahang payak ang pamumuhay.  May mga taong mayayaman na ipinagbibili ang kayamanan o mga kabataang hindi tinatanggap ang mana upang sundin ang isang prinsipyong ikagagalak nila.  May mga taong tinatalikuran ang katanyagan dahil hindi sila masaya at mas pinipiling maging payak ang pamumuhay nila para sa iba.

Natatandaan ko ang kantang may lyrics na ganito:  Lose yourself in me and you will find yourself.   Hindi natin mararanasan ang tunay na pag-ibig kung hindi natin isasakripisyo ang ilang bagay para dito.  Maaring naranasan na natin ang magvolunteer sa isang soup kitchen na kung saan isinakripisyo natin ang ating oras para sa mga batang kapus-palad.  Hindi ba may galak na nararamdaman kahit pagod ka?  Gayundin kung isinakripisyo natin ang ating mga trabaho para sa isang napakahalagang activity?  Hindi natin ito pinagsisisihan kahit mawala man ang sahod natin para sa araw na iyon o hindi natin makuha ang ating bonus.  Ang kagalakan sa activity na iyon ay higit pa sa pwedeng sahurin sa araw na iyon.

Sa Ebanghelyo natin ngayon ay may mga mahahalagang punto akong nais ibahagi para sa aking reflection.  Una ang nakatagong kayamanan, ang nakatagong perlas na higit ang halaga.  Ang tunay na kayamanan ay nakatago.  Hindi ito nakikita ng ordinaryong mata o naiintindihan ng ordinaryong pag-iisip.  Noong pumasok ako sa seminaryo ay marami ang nagtatanong sa akin kung bakit ko iniwan ang aking trabaho.  Tinatanong nila ako kung ang pagod ba ang dahilan o puyat kung kaya't naisipan kong magresign.  Hindi nila nakikita ang tunay na dahilan o ang tunay na worth ng bokasyon ko.  Marami rin ang mga nagtatanong sa atin kung bakit ang Simabahan ay patuloy na naninindigan para kontrahin ang RH Bill.  Hindi nakikita ang iba ang tunay na kagalakan sa pag-anib sa panig ng Buhay o ang tunay na kagalakan at kapayapaan sa ating patuloy na pagtupad sa salita ng Diyos.  Pwede rin tanungin tayo ng ating mga magulang kung ano ang meron sa mga orgs natin ang dahilan upang ating ibigay ang panahon natin para dito.  Hindi nakikita ang tunay na halaga o ang tunay na kayamanan na meron sa atin.

Pangalawa, ang tunay na kayamanan ay mahirap masumpungan.  Ang nakatagong kayamanan sa isang bukid ay kailanagan pang hukayin at ang perlas na mahalaga ay kailanagn pang sisrin.  Maaaring ang yaman na ting minimithi ay nakukuha lamang natin sa loob ng mahabang panahon at bunga lamang ng ating pagiging matapat at pagpupursige.  Sa katunayan, mas naapreciate ko ang aking bokasyon noon lamang na lumabas ako at nagtrabaho.  Noon lamang na ibinahagi ko ang aking panahon sa mga kabataan.  Noon lamang sa loob ng walong taon simula ng ako ay pumasok sa seminaryo.  Ang kayamanan ay kailangang magpursigi upang mas makita natin ang halaga nito.

Pangatlo, kailangang ipagbili ang lahat upang makuha ang kayamanan na ito.  Lahat. Wala dapat na itira.  Naramadaman ko na napakahalaga pala ng aking bokasyon na naisipan kong kinakailanagang isakripisyo ko ang aking trabaho, ang aking lifestyle, ang mg panahong kasama ko ang aking mga kaibigan at pamilya.  Katulad ng kayamanan at perlas sa parabula, hindi ito mabibili kung hindi ko kayang igive up lahat para dito.

Pang-apat, ang kagalakan na nawala ang lahat at tanging natira ay ang tanging yaman.  Masaabi ko na anong saya ng aking bokasyon kapag ibinigay mo ang lahat para sa Diyos.  Wala ka ang hihingin pa at ang iba ay sususnod na lamang.  Seek first the kingdom of God and his righteousness, and all these things will be added to you. (Matthew 6:33) 

Ano ang iyong tanging yaman? Nawa ito ang Diyos na nakatago, atin nawa siyang masumpungan at nawa makita natin ang lahat ng bagay ay kaya nating ibigay para sa kanya. 


Mabubuti at Masasamang Binhi

Noong panahong iyon, inilahad ni Hesús ang talinghagang ito sa mga tao. “Ang paghahari ng Diyós ay katulad nito: may isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kaniyáng bukid. Isang gabi, samantalang natutulog ang mga tao, dumating ang kaniyáng mga kaaway at naghasik ng masasamang damo sa triguhan. Nang tumubo ang trigo at magkauhay, lumitaw rin ang masasamang damo. Kaya’t lumapit ang mga alipin sa puno ng sambahayan at sinabi rito, ‘Hindi po ba mabuting binhi ang inihasik ninyó sa inyóng bukid? Bakit po may damo ngayon?’ Sumagot siyá, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siyá ng mga utusan, ‘Bubunutin po ba namin ang mga iyon?’ ‘Huwag,’ sagot niyá. ‘Baka mabunot pati trigo. Hayaan na ninyóng lumago kapuwa hanggang sa anihan. Pag-aani’y sasabihin ko sa mga tagapag-ani: “Tipunin muna ninyó ang mga damo at inyóng pagbigkis-bigkisin upang sunugin, at ang trigo’y inyóng tipunin sa aking kamalig.” ’ ” (Mateo 13:24-30)




Sa patuloy na pakikibaka ng Simbahan sa mga usapin sa ating lipunan, hindi maaring hindi makatanggap ang Simbahan ng mga batikos.  Inaakusahan ang Simbahan na nakikialam sa mga usaping panglipunan at pampulitika gayong mga makasalanan naman ang mga namumuno nito.  Maaaring naaalala pa natin ang ginawang eskandalo ni Carlos Celdran sa Manila Cathedral nang itaas niya ang placard na may nakasulat na "Damaso!" habang isinisigaw niya na "Stop mendling with politics!"  Sa linggong ito lang ay naungkat ang isyu ng mga obispo na tumanggap ng mga sasakyan mula sa PCSO.  Sa mga social networking sites din mababasa natin ang maraming pagtutuligsa sa Simbahan.  Laging inuungkat ang masasamang pamumuhay ng ilang mga lider ng Simbahan at pinamumukha na wala silang karapatang magsalita tungkol sa doktrina at moralidad.

Nakakalimutan nila na ang Simbahan ay hindi Simbahan ng mga banal kundi ng mga makasalanan. Kahit sa Lumang Tipan, mababasa natin na ang mga Israelieta o ang bayang hinirang ng Diyos ay malimit magkasala, tinatalikuran ang Diyos upang sumamaba sa ibang diyos-diyosan subalit hindi nawala sa kanila ang pagmamahal ng Panginoon at ang kanilang pagkahirang bilang pinili niyang bayan.  Sa Bagong Tipan, naroon ang mga Apostol subalit naroon din sa mga unang Kristiyano ang mga hindi tapat at patuloy na nagkakamali.  Maging ang mga apostol ay malimit ding magkamali at magkasala. At kung tayo ay Simbahan ng mga banal, hindi na natin kailangan pa ng mga sakramento o ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos.  Ang Simbahan ay isang institusyon din na nakabase sa lipunana kung kaya't ang estado ng Simbahn ay siya ring sumasalamin sa sambayanan na ating kinabibilangan.  Kung tayo ay nasa mundong corrupted of good values, ang Simbahan din ay ganun, whether we like it or not.

Subalit, hindi ito hadlang upang tayo ay patuloy na maninindigan sa kabutihan.  Bilang Kristyiano, ating responsibilidad na maging mga saksi ng tunay na kahariang minimithi natin--- ang Kaharian ng Diyos.  Kailangan nating ipakita sa mundo na sa kabila ng mga damo ay tutubo pa arin ang mga trigo.  Huwag sana tayong manlumo o madiscourage sa gitna ng mga kaguluhan o kasamaan.  Bagkus, ito ang challenge sa atin upang bumangon at patuloy na maninidigan laban sa kasamaan.

Minsan kasi ay mas marami ang di pumapasok sa Simbahan dahil sa atin.  Mali nga sila. Kasi hindi basehan ang kabutihan ng mga members para mainspire silang maging Kristiyano subalit malaking tulong din ang ating mga mabubuting halimbawa para sa kanila.

Bakit, hindi binunot o inalis ang mga damo? Una, dahil maapektuhan ang mga mabubuti. Kung paanong pinapaulan ng Diyos ang langit upang magbigay pagkain sa mga mabubuti at masasama, ganun din kung nais niyang magkaroon ng bagyo.  Hindi porke mabuti ka ay hindi ka masasalanta at masasama lamang.  

Pangalawa, dahil alam ng Diyos na kaya ng mga trigo na manalo laban sa kasamaan.  Alam niyang kahit naapektuhan ang mga mabubuti ay hindi sila magpapatalo at patuloy na mananaig kung sila ay tunay ngang mabuting binhi.  Pangatlo,  dahil ang lahat ay may panahon. Maaring tanungin natin: Bakit ang mga mababait pa ang madaling mamatay at ang mga masasama ay walang problema?  Pwedeng mas binibigyan sila ng pagkakataon ng Diyos na makapagbagong buhay. Kapag tapos na ang palugit sa kanila ng Diyos at patuloy pa rin sa gawang masama, pwede na silang kunin at magkakamit parusa.  

Bilang Kristiyano, nawa'y maging buhay na tanda tayo sa sanlibutan ng kabutihang nananaig laban sa kasamaan. 


Thursday, July 21, 2011

Ang Manghahasik, ang mga Binhi at ang mga Lupa

Noon ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa.  Dahil sa dami ng taong lumalapit sa kanya, sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Tumayo naman sa dalampasigan ang mga tao  at sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinhaga. Ganito ang sinabi niya:      "May isang magsasakang lumabas upang maghasik. Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon.  May mga binhi namang nalaglag sa mabatong lupa. Dahil manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang mga binhi,  ngunit natuyo agad ang mga ito nang mabilad sa matinding init ng araw, palibhasa'y mababaw ang ugat.  May mga binhi namang nalaglag sa may matitinik na halaman. Lumago ang mga halamang ito at sinakal ang mga binhing tumubo doon.  Ngunit ang mga binhing nahasik sa matabang lupa ay namunga; may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu. Makinig ang may pandinig!"(Mateo 13:1-9)


Dito sa Katedral ni San Gregorio Magno sa Diyosesis ng Legazpi ang imahe ng Manghahasik ang siyang dekorasyon sa ambo (ang platform kung saan binabasa ang mga pagbasa sa misa).  Ito ay upang paalalahanan ang mga tao ng mahahalagang elemento ng Salita ng Diyos ayon sa matututunan natin sa Ebanghelyong ito.

Una, ang Manghahasik ay di nagsasawang maghasik ng binhi.  Walang pinipili ang Diyos sa kanyang paghahasik ng kanyang mga salita.  Kahit alam niyang hindi lahat tutubo, patuloy siya at walang kapaguran sa paghahasik.  Makikita natin dito na ang Diyos ay punong-puno ng pag-asa sa atin upang papagyabungin ang kanyang mga naipunla.  Kahit tayo ay makasalanan hindi siya nagsasawang magtanim ng magagandang butil sa atin.  Naniniwala siya na kahit gaano man kasama ang tao, may magagandang bagay na naipunla siya dito na kailangan lang niyang alagaan at pagyabungin.

Minsan sa ating ministries ay nagsasawa na tayo sa paglilingkod.  Para bang hasik din tayo ng hasik subalit hindi nagbubunga.  Bakit hindi natin tularan ang Diyos na walang pinipiling tao at oras.  Nagbabakasakali siya na may makikinig sa kanya at magbagong buhay.  As long as we strive for our best, whatever we do will be for the best.  Hindi nasasayang ang ating effortsKung mas marami ang ating inihasik, mas marami pa rin tayong aanihin sabihin man nating hindi lahat magbubunga. 

Pangalawa, ang Salita ng Diyos ay mabisa, walang masamang binhi subalit nakadepende na lang ang epekto nito sa ating disposisyon.  Naroon ang binhi, sunalit kung tayo naman ay di nagiging responsive, di natin ito inaalagaan, nagiging useless ang mga binhing ito.  Ang apat na uri ng lupa ay apat na reaksyon ng tao sa mga salita ni Hesus.  Mabuting isa-isahin natin ang mga ito.

Ang lupa sa daanan ay mga taong tumatanggap ng salita ng Diyos subalit hindi ganoon kalalim kung kaya't madali silang madala ng kaaway.  Panaka-naka lamang kung lumapit sa DiyosNagsisimba lang kung  may okasyon o kung niyaya lamang.  Naglilingkod sa Simbahan tuwing napupuri lamang o kung may mahahalagang pagdiriwang.  Nagbabasa lamng ng Bibliya kung naisipan.  Nagrorosaryo lamang kung Rosary Month, nagiging aktibo lamang sa Youth Apostolate kung Year of the Youth.  Kung kaya't kapag naroon ang kaaway ay madaling umalis.  Madaling masira ng kaaway ang anumang salita na naipunla sa kanila.

Ang batuhan ay ang mga taong tumatanggap ng salita ng Diyos subalit nasa emosyonal na aspeto lamang.  Naiiyak kung recollection o retreats, damang-dama ang presensiya ng Diyos sa mga religious activities, kayang magsakripisyo tuwing Semana Santa, laging nagsisimba at nananalangin subalit hindi nakikita sa sarili nila ang salita ng Diyos.  Mga taong malugod na tumatanggap sa salita ng Diyos subalit kapag nawala na ang emosyon ay di tumatagos sa puso ang salita, di nakikita sa kanilang buhay.

Ang lupang matinik at madamo ay ang mga taong tumatanggap ng salita ng Diyos subalit nabubuhay pa rin sa pita ng laman at sa gawaing makasanlibutan.  Mga taong nagsisimba, nananalangin, umaattend ng mga seminars, naglilingkod sa Simbahan subalit di inaalis ang mga makasariling pagnanasa sa kayamanan, mga taong di mabunot ang kahalayan, mga taong nagiging kompetensya ng salita ng Diyos ang mga bisyo at mga paboritong kasalanan.  Kung kaya't kahit gaano karami ng binhi ng salita ng Diyos ang ihasik sa kanila ay walang epekto.  Maaaring may bunga ng konti subalit naroon pa rin ang mga malalagong tinik at damo.

Ang lupang mabuti at mataba ay mga taong tumatanggap ng salita ng Diyos at tumutupad nito.  Palaging tumatanggap sa knyang salita, naroroon ang kanilang puso dito at tumutupad nito, tinatalikdan ang kanilang mga bisyo, kasalanan at mga gawaing makasanlibutan kung kaya't lumalago ito sa kanilang buhay.

Pangatlo, sinabi ni Hesus na ang mga binhing nahasik sa matabang lupa ay namunga; may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu. Kung sa realidad ay imposible ito.  Imposibleng mamunga ng ganun ang maliit na parte ng lupa.  Ang aning ganoon ay para sa isang hacienda.  Subalit, ang ibig sabihin ni Hesus ay walang impsosible sa Diyos.  Ang di natin kayang gawin ay kayang palaguin ng Diyos.  Kaya niyang gumawa ng himala sa kabila ng ating mga limitasyon. Huwag lamang sana tayong magsawang maging mga mabubuting lupa sa kabila ng ating mga limitasyon at kahinaan.

Inihayag Mo sa mga May Kaloobang Tulad ng Bata

Nang panahong iyo’y sinabi ni Jesus, "Ama, Panginoon ng langit at lupa, salamat sa iyo, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at inihayag mo naman sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat ganoon ang nais mo. "Ibinigay na sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga pinili ng Anak na pagpahayagan niya. "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako’y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin  ang kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo."(Mateo 11:25-36)





Marahil ay magtatanong tayo kung bakit sa kabila ng ating pananalangin at paglilingkod sa Diyos ay nararanasan pa natin ang iba't ibang problema, kaguluhan, kahinaan at pagkamakasalanan.  Marahil ay tatanungin natin sa Diyos na kung kailan pa naman tayo nagsimulang lumapit sa kanya ay diyan naman natin naranasan ang mga pagsubok.  

Marahil ay alam natin kung paano magpalipad ng saranggola. Tayo ay katulad ng saronggola--- manipis, mahina, madaling liparin at tangayin ng hangin.  Minsan sa ating buhay ay nararamdaman natin na tayo ay nasa panahon ng walang katiyakan.  Di natin alam ang ating mga gagawin.  Di natin alam kung paano natin haharapin ang iba't ibang pagsubok sa ating buhay.  Di natin nakikita ang lubid na siyang kumokontrol sa atin.  Di natin alam ang hinaharap.  Madalas ay nagpapatangay na lamang tayo sa hangin dahil sa ating mga kahinaan.

Subalit nakalimutan natin na ang Diyos ang siyang humahawak sa atin.  Siya ang may hawak ng sinulid ng ating saranggola.  Hindi niya tayo pinababayaan.  Sa mga sandaling tayo ay tinatangay, nakakalimutan natin na siya pala ang gumagabay sa sinulid ng ating buhay upang ituro sa atin ang tamang direksyon. 

Kung kaya't bakit napakahalaga na kumapit tayo sa lubid at di kumawala sa kanya.  Sa ating pag-alis sa sinulid na ito, tayo ay mawawala at lalong di magkakaroon ng direksyon.

Tinatawag tayo ni Hesus: Lumapit kayo sa akin! Ako ang may hawak sa manipis na sinulid ng buhay.  Kapag kayo ay tinatangay ng problema, huwag kayong bumitaw.  Hawak ko kayo at di ko kayo pababayaan.

Ito ay maiintindihan lamang ng mga bata--- mga taong may confidence sa pag-ibig ng Diyos, mga taong lubos ang pananalig sa kanya katulad ng isang batang tahimik na natutulog sa bisig ng kanyang Ama.


Sunday, July 3, 2011

A Martyr of Purity

 This July 6th, we are celebrating another young saint which Pope Pius XII calls as "Saint Agnes of the 20th century.  She is St. Maria Goretti, patroness of the youth and sexually abused women.



Goretti was born Maria Teresa Goretti on October 16, 1890 in Corinaldo, in the Province of Arcona, in Italy, to Luigi Goretti and Assunta Carlini. She was the third out of six children. Her sisters were named Teresa and Ersilia; her brothers were Angelo, Sandrino, and Mariano.

By the time she was six, her family had become so poor that they were forced to give up their farm, move, and work for other farmers. Soon, Maria's father Luigi became very sick with malaria, and died when Maria was just nineWhile her brothers, mother, and sister worked in the fields, Maria would cook, sew, watch her infant sister, and keep the house clean. It was a hard life, but the family was very close. They shared a deep love for God and the faith. She and her family moved to a building where they shared with another family which included Giovanni Serenelli and his son, Alessandro.

On July 5, 1902, finding eleven-year-old Maria alone sewing, Alessandro Serenelli came in and threatened her with death if she did not do as he said; he was intending to rape her. She would not submit, however, protesting that what he wanted to do was a mortal sin and warning Alessandro that he would go to hell. She desperately fought to stop Alessandro, a 20-year-old farmhand, from abusing her. She kept screaming, "No! It is a sin! God does not want it!" Alessandro first choked Maria, but when she insisted she would rather die than submit to him, he stabbed her eleven times. The injured Maria tried to reach for the door, but Alessandro stopped her by stabbing her three more times before running away.



Maria's little sister Teresa awoke with the noise and started crying, and when Serenelli's father and Maria's mother came to check on the little girl, they found the bleeding Maria and took her to the nearest hospital in Nettuno. She underwent surgery without anesthesia but her injuries were beyond the doctors' help. Halfway through the surgery, Maria woke up. She insisted that it stay that way.  That is because she offered her pain for the conversion of sinners. The following day, twenty hours after the attack, having expressed forgiveness for her murderer and stating that she wanted to have him in heaven with her, Maria died of her injuries, while looking at a very beautiful picture of the Blessed Mother.

Alessandro Serenelli was captured shortly after Maria's death. Originally, he was going to be sentenced to life, but since he was a minor at that time the sentence was commuted to 30 years in prison. He remained unrepentant and uncommunicative from the world for three years, until a local bishop,  Giovanni Blandini, visited him in jail. Serenelli wrote a thank you note to the Bishop asking for his prayers and telling him about a dream, "in which Maria Goretti gave him lilies, which burned immediately in his hands."


After his release, Alessandro Serenelli visited Maria's still-living mother, Assunta, and begged her forgiveness. She forgave him, saying that if Maria had forgiven him on her deathbed then she couldn't do less, and they attended Mass together the next day, receiving communion side by side.  Alessandro reportedly prayed every day to Maria Goretti and referred to her as "my little saint." He attended her canonization in 1950.
Serenelli later became a laybrother of the Capuchin Franciscan Friars living in a monastery and working as its receptionist and gardener until dying peacefully in 1970.

The life of St. Maria Goretti, teaches us adherence to the commandments of God even to the point of giving our lives to it.  She became a saint not so much of refusing to be raped rather through her firm resolution not to engage in sin. How many of us chooses to do wrong even if we have a clear choice to do what is right!  How many of us chooses to degrade our body even if we willfully knows that it is a sin!  We might reason out that we are just frail human beings, that we are not exempted from temptation.  But we must know that temptations are actually invitations for us to do good.  How many us are actually allowing themselves to be nearer to temptation! However, I think it is because we are born in this world which actually refuses to heed the Gospel of Christ.  That is why as Christians, we must be evangelizers and be a role model to our fellow youth.  Our young saints who lived exemplary lives like St. Maria Goretti teaches us that chastity is possible in this world corrupted of good values and we can be one with them.

And St. Maria Goretti also teaches us how to forgive.  She willfully forgives her murderer and even prays for his conversion.  And this has borne fruit since her murderer repents publicly, became a religious and even attended her canonization.  Her charity has indeed converted the hardened heart of his murderer.  She is indeed a model for us all especially the young, in her love for God by obeying his commandments to the point of death and in her love for her neighbor to the point of imitating the example of Christ who prays for his enemies at the hour of his death.

Let us pray that she may intercede for us and obtain for us the grace to be faithful to God and his commandments, purity of both mind and body and genuine love for our brothers and sisters including those who seems to be unworthy of our love.

St. Maria Goretti, patroness of the youth, pray for us!





Friday, July 1, 2011

A Heart Filled with Treasures

Every year Jesus’ parents went to Jerusalem for the Festival of the Passover.  When he was twelve years old, they went up to the festival, according to the custom.  After the festival was over, while his parents were returning home, the boy Jesus stayed behind in Jerusalem, but they were unaware of it. Thinking he was in their company, they traveled on for a day. Then they began looking for him among their relatives and friends. When they did not find him, they went back to Jerusalem to look for him. After three days they found him in the temple courts, sitting among the teachers, listening to them and asking them questions. When his parents saw him, they were astonished.  His mother said to him, “Son, why have you treated us like this? Your father and I have been anxiously searching for you.” “Why were you searching for me?” he asked. “Didn’t you know I had to be in my Father’s house?” But they did not understand what he was saying to them. Then he went down to Nazareth with them and was obedient to them. But his mother treasured all these things in her heart. (Luke 2:41-51)





After the solemn feast of the heart of Jesus, we commemorate the immaculate heart of Mary.  It is worthwhile to think about Mary, whom I acknowledge as mother, sister and co-servant as she joined Christ in everyday life, in learing from him and being a part of his preparation for his Paschal mystery.

Luke the Evangelist presents Mary as a woman who is a witness of God's saving acts yet cannot understand them fully. However she pondered everything in her heart.  Luke tells that Mary contemplated every mystery that she observes.  Even though she cannot understand every unfolding mystery that she became part of,  she remains faithful.  She does not use her mind but her heart in knowing and understand the uniqueness in her Son.  At the report of the shepherds at the birth of her Son, instead of thinking how these things happened, she just reflected these things in her heart.  Being a simple girl,  she does not understand how God became a little baby in front of her.  Also in the prophecy of Simeon and after hearing Jesus' answer after they found him in the temple.

Like Mary, God is inviting me to contemplate.  Reason is not enough to understand the Divine Things.  God may work in our reason however, it is not enough if we use our intellect.  St. Thomas Aquinas, a brilliant theologian who wrote numerous volumes of books regarding philosophy and theology acknowledged his littleness after God showed him in an instant a portion of God's glory.  He even came to a point that he wanted to burn all his books.  In my favorite book, The Little Prince written by Antoine de St. Exupery, it says, "It is only in one's heart that one can see rightly.  What is essential is invisible to the eye." God is not someone to be known. He is someone to be loved. 

I must pray that like Mary, I may be able to love him purely although I cannot see him, love him more freely and greatly that I may be able to understand and appreciate his goodness.  Like Mary, I may be able to sing the Magnificat, magnifying his greatness and rejoicing in his salvation.

Mary was able to sang the Magnificat because she pondered every good things God has done to her.  She is indeed a true lover of God.