Noong panahong iyon, inilahad ni Hesús ang talinghagang ito sa mga tao. “Ang paghahari ng Diyós ay katulad nito: may isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kaniyáng bukid. Isang gabi, samantalang natutulog ang mga tao, dumating ang kaniyáng mga kaaway at naghasik ng masasamang damo sa triguhan. Nang tumubo ang trigo at magkauhay, lumitaw rin ang masasamang damo. Kaya’t lumapit ang mga alipin sa puno ng sambahayan at sinabi rito, ‘Hindi po ba mabuting binhi ang inihasik ninyó sa inyóng bukid? Bakit po may damo ngayon?’ Sumagot siyá, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siyá ng mga utusan, ‘Bubunutin po ba namin ang mga iyon?’ ‘Huwag,’ sagot niyá. ‘Baka mabunot pati trigo. Hayaan na ninyóng lumago kapuwa hanggang sa anihan. Pag-aani’y sasabihin ko sa mga tagapag-ani: “Tipunin muna ninyó ang mga damo at inyóng pagbigkis-bigkisin upang sunugin, at ang trigo’y inyóng tipunin sa aking kamalig.” ’ ” (Mateo 13:24-30)
Sa patuloy na pakikibaka ng Simbahan sa mga usapin sa ating lipunan, hindi maaring hindi makatanggap ang Simbahan ng mga batikos. Inaakusahan ang Simbahan na nakikialam sa mga usaping panglipunan at pampulitika gayong mga makasalanan naman ang mga namumuno nito. Maaaring naaalala pa natin ang ginawang eskandalo ni Carlos Celdran sa Manila Cathedral nang itaas niya ang placard na may nakasulat na "Damaso!" habang isinisigaw niya na "Stop mendling with politics!" Sa linggong ito lang ay naungkat ang isyu ng mga obispo na tumanggap ng mga sasakyan mula sa PCSO. Sa mga social networking sites din mababasa natin ang maraming pagtutuligsa sa Simbahan. Laging inuungkat ang masasamang pamumuhay ng ilang mga lider ng Simbahan at pinamumukha na wala silang karapatang magsalita tungkol sa doktrina at moralidad.
Nakakalimutan nila na ang Simbahan ay hindi Simbahan ng mga banal kundi ng mga makasalanan. Kahit sa Lumang Tipan, mababasa natin na ang mga Israelieta o ang bayang hinirang ng Diyos ay malimit magkasala, tinatalikuran ang Diyos upang sumamaba sa ibang diyos-diyosan subalit hindi nawala sa kanila ang pagmamahal ng Panginoon at ang kanilang pagkahirang bilang pinili niyang bayan. Sa Bagong Tipan, naroon ang mga Apostol subalit naroon din sa mga unang Kristiyano ang mga hindi tapat at patuloy na nagkakamali. Maging ang mga apostol ay malimit ding magkamali at magkasala. At kung tayo ay Simbahan ng mga banal, hindi na natin kailangan pa ng mga sakramento o ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos. Ang Simbahan ay isang institusyon din na nakabase sa lipunana kung kaya't ang estado ng Simbahn ay siya ring sumasalamin sa sambayanan na ating kinabibilangan. Kung tayo ay nasa mundong corrupted of good values, ang Simbahan din ay ganun, whether we like it or not.
Subalit, hindi ito hadlang upang tayo ay patuloy na maninindigan sa kabutihan. Bilang Kristyiano, ating responsibilidad na maging mga saksi ng tunay na kahariang minimithi natin--- ang Kaharian ng Diyos. Kailangan nating ipakita sa mundo na sa kabila ng mga damo ay tutubo pa arin ang mga trigo. Huwag sana tayong manlumo o madiscourage sa gitna ng mga kaguluhan o kasamaan. Bagkus, ito ang challenge sa atin upang bumangon at patuloy na maninidigan laban sa kasamaan.
Minsan kasi ay mas marami ang di pumapasok sa Simbahan dahil sa atin. Mali nga sila. Kasi hindi basehan ang kabutihan ng mga members para mainspire silang maging Kristiyano subalit malaking tulong din ang ating mga mabubuting halimbawa para sa kanila.
Bakit, hindi binunot o inalis ang mga damo? Una, dahil maapektuhan ang mga mabubuti. Kung paanong pinapaulan ng Diyos ang langit upang magbigay pagkain sa mga mabubuti at masasama, ganun din kung nais niyang magkaroon ng bagyo. Hindi porke mabuti ka ay hindi ka masasalanta at masasama lamang.
Pangalawa, dahil alam ng Diyos na kaya ng mga trigo na manalo laban sa kasamaan. Alam niyang kahit naapektuhan ang mga mabubuti ay hindi sila magpapatalo at patuloy na mananaig kung sila ay tunay ngang mabuting binhi. Pangatlo, dahil ang lahat ay may panahon. Maaring tanungin natin: Bakit ang mga mababait pa ang madaling mamatay at ang mga masasama ay walang problema? Pwedeng mas binibigyan sila ng pagkakataon ng Diyos na makapagbagong buhay. Kapag tapos na ang palugit sa kanila ng Diyos at patuloy pa rin sa gawang masama, pwede na silang kunin at magkakamit parusa.
Bilang Kristiyano, nawa'y maging buhay na tanda tayo sa sanlibutan ng kabutihang nananaig laban sa kasamaan.
No comments:
Post a Comment