Noong panahong iyon, sinabi ni Hesús sa mga tao: “Ang Paghahari ng Diyós ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laki ng tuwa, siyá’y humayo at ipinagbili ang lahát ng ari-arian niyá at binili ang bukid na iyon. Gayundin naman, ang Paghahari ng Diyós ay katulad nito: may isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga, siyá’y humayo at ipinagbili ang lahát ng kaniyáng ari-arian at binili iyon." (Mateo 13:44-46)
Kung ikaw ay bibigyan ng tatlong kahilingan, ano ang mga hihingin mo?
Maaring ang iba sa atin ay hihingi na maging mayaman, o kaya naman ay maging maganda o guwapo, o kaya naman ay maging matalino o maging sikat. Maaring ang iba sa atin ay humingi ng isang taong magmamahal sa kanya.
Subalit, may mga taong hindi mayaman subalit masaya. May mga taong pinagkaitan ng hitsura o intelektwal na kakayahan subalit hindi nagrereklamo o nghihinanakit sa buhay. May mga taong hindi sikat subalit mas maayos pa ang buhay sa di sikat. At may mga taong walang asawa subalit kontento at hindi naghahangad na magkaasawa pa.
May mga taong iniiwan ang kanilang mga trabaho kahit ito ay maayos para lamang umanib sa isang samahang payak ang pamumuhay. May mga taong mayayaman na ipinagbibili ang kayamanan o mga kabataang hindi tinatanggap ang mana upang sundin ang isang prinsipyong ikagagalak nila. May mga taong tinatalikuran ang katanyagan dahil hindi sila masaya at mas pinipiling maging payak ang pamumuhay nila para sa iba.
Natatandaan ko ang kantang may lyrics na ganito: Lose yourself in me and you will find yourself. Hindi natin mararanasan ang tunay na pag-ibig kung hindi natin isasakripisyo ang ilang bagay para dito. Maaring naranasan na natin ang magvolunteer sa isang soup kitchen na kung saan isinakripisyo natin ang ating oras para sa mga batang kapus-palad. Hindi ba may galak na nararamdaman kahit pagod ka? Gayundin kung isinakripisyo natin ang ating mga trabaho para sa isang napakahalagang activity? Hindi natin ito pinagsisisihan kahit mawala man ang sahod natin para sa araw na iyon o hindi natin makuha ang ating bonus. Ang kagalakan sa activity na iyon ay higit pa sa pwedeng sahurin sa araw na iyon.
Sa Ebanghelyo natin ngayon ay may mga mahahalagang punto akong nais ibahagi para sa aking reflection. Una ang nakatagong kayamanan, ang nakatagong perlas na higit ang halaga. Ang tunay na kayamanan ay nakatago. Hindi ito nakikita ng ordinaryong mata o naiintindihan ng ordinaryong pag-iisip. Noong pumasok ako sa seminaryo ay marami ang nagtatanong sa akin kung bakit ko iniwan ang aking trabaho. Tinatanong nila ako kung ang pagod ba ang dahilan o puyat kung kaya't naisipan kong magresign. Hindi nila nakikita ang tunay na dahilan o ang tunay na worth ng bokasyon ko. Marami rin ang mga nagtatanong sa atin kung bakit ang Simabahan ay patuloy na naninindigan para kontrahin ang RH Bill. Hindi nakikita ang iba ang tunay na kagalakan sa pag-anib sa panig ng Buhay o ang tunay na kagalakan at kapayapaan sa ating patuloy na pagtupad sa salita ng Diyos. Pwede rin tanungin tayo ng ating mga magulang kung ano ang meron sa mga orgs natin ang dahilan upang ating ibigay ang panahon natin para dito. Hindi nakikita ang tunay na halaga o ang tunay na kayamanan na meron sa atin.
Pangalawa, ang tunay na kayamanan ay mahirap masumpungan. Ang nakatagong kayamanan sa isang bukid ay kailanagan pang hukayin at ang perlas na mahalaga ay kailanagn pang sisrin. Maaaring ang yaman na ting minimithi ay nakukuha lamang natin sa loob ng mahabang panahon at bunga lamang ng ating pagiging matapat at pagpupursige. Sa katunayan, mas naapreciate ko ang aking bokasyon noon lamang na lumabas ako at nagtrabaho. Noon lamang na ibinahagi ko ang aking panahon sa mga kabataan. Noon lamang sa loob ng walong taon simula ng ako ay pumasok sa seminaryo. Ang kayamanan ay kailangang magpursigi upang mas makita natin ang halaga nito.
Pangatlo, kailangang ipagbili ang lahat upang makuha ang kayamanan na ito. Lahat. Wala dapat na itira. Naramadaman ko na napakahalaga pala ng aking bokasyon na naisipan kong kinakailanagang isakripisyo ko ang aking trabaho, ang aking lifestyle, ang mg panahong kasama ko ang aking mga kaibigan at pamilya. Katulad ng kayamanan at perlas sa parabula, hindi ito mabibili kung hindi ko kayang igive up lahat para dito.
Pang-apat, ang kagalakan na nawala ang lahat at tanging natira ay ang tanging yaman. Masaabi ko na anong saya ng aking bokasyon kapag ibinigay mo ang lahat para sa Diyos. Wala ka ang hihingin pa at ang iba ay sususnod na lamang. Seek first the kingdom of God and his righteousness, and all these things will be added to you. (Matthew 6:33)
Ano ang iyong tanging yaman? Nawa ito ang Diyos na nakatago, atin nawa siyang masumpungan at nawa makita natin ang lahat ng bagay ay kaya nating ibigay para sa kanya.
No comments:
Post a Comment