Nang marinig ni Hesus ang pagkamatay ni Juan, sumakay siya sa isang bangka at pumunta sa isang lugar na walang tao. Ngunit nang mabalitaan naman iyon ng mga tao, sila’y naglakad papalabas sa kani-kanilang bayan at sinundan si Hesus. Pagdating ni Hesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong iyon. Nahabag siya sa kanila kaya’t pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila. Nang dapit-hapon na’y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, "Malapit na pong lumubog ang araw at ilang ang lugar na ito. Papuntahin na po ninyo sa mga kalapit na nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain." "Hindi na sila kailangang umalis. Kayo ang magpakain sa kanila," sabi ni Hesus. Sumagot sila, "Wala po tayong pagkain kundi limang tinapay lamang at dalawang isda." "Dalhin ninyo rito," sabi niya. Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao. Kinuha ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamahagi iyon sa mga tao. Napakain at nabusog ang lahat. Nang ipunin ng mga alagad ang natirang pagkain, nakapuno pa sila ng labindalawang kaing ng tinapay. May limanlibong lalaki ang pinakain, bukod pa sa mga babae at mga bata. (Matthew 14:13-21)
Madalas tayong magreklamo sa mga problemang nakakaharap na tin sa araw-araw. Napakadali sa ating magpasa sa iba ng mga solusyon sa ating mga suliranin. Halimbawa: sa mga krimen, ipapasa natin ito sa mga pulis, sinasabi natin at nagrereklamo tayo na di nila ginagawa ang dapat nilang gawin. Kapag may mga problema sa trapiko, magrereklamo tayo sa MMDA. Sa mga suliraning pulitikal at pangekonomiya, pagbibintangan natin ang gobyerno. Sa mga problemang moral at ispiritwal sa ating lipunanan, ating ipinapasa ito sa Simbahan.
Sa madalas nating pagpapasa ng gawain sa mga institusyon at mga lider ng ating lipunan, madalas ay nakakalimutan natin ang ating responsibilidad. Halimbawa: sa korapsyon sa ating pamahalaan, madalas tayong maghimutok at magprotesta sa mga lider ng ating bayan. Totoo na laganap ang korapsyon sa ibat-ibang departaento at ahensya ang ating gobyerno subalit hindi natin nakikita ang ating mga maliliit na ginagawang corrupt din sa paningin ng Diyos. Ang pagtanggap ng bayad sa boto ay maliit na bagay nga subalit kasingtindi rin ang epekto katulad ng malakihang pagnanakaw ng mga pulitiko sa kaban ng bayan. Ang pagtaya sa jueteng ay maliit na bagay nga subalit ito rin ay pagpapahayg ng suporta sa malalaking pwersa ng sugal sa ating bayan na karaniwang pinasisimunuan pa ng ating mga pulitikong corrupt. Ang pagkuha ng coupon bond sa government office ay isang pagkuha rin ng bagay na hindi sa atin kundi pag-aari ng ahensya ng gobyerno. Ang pangongoya sa exam ng mga estudyante ay maliit na bagay nga subalit pandaraya din katulad ng pagdaraya sa mga civil service exams ng mga balak magtrabaho sa gobyerno. Ang pagpepetiks sa trabaho ay isa ring uri ng pandaraya dahil sinasahuran ka ng sapat gayong di ka naman tumutupad sa takdang oras.
We keep on putting a blame on others but we fail to take ownership. Napakadali sa ating mambintang subalit di natin nakikita na ang kasamaan pala ay nagmumula sa atin! Tayo ay nagko-contribute pala sa kabulukan ng ating lipunan sa maliliiit na paraan subalit hindi nangangahulugang mas maliit ang epekto sa ginagawa ng mas makapangyarihan sa atin. Kung tayo ay gumagawa ng maliliit na uri ng kasamaan, sa tingin ba natin ay hindi natin magagawa ang malalaking kasamaan kung tayo ay nabigyan ng pagkakataon? I think we will do worse things if we will be given a chance.
Nais kong ibahagi ang short film na ito. Very relevant sa Ebanghelyo natin ngayon.
Sinabi ni Hesus sa Ebanghelyo nang ang mga tao ay nagutom: Kayo ang Magpakain sa Kanila! Subalit magtatanong ang mga alagad: Paano namin mapapakain ang 5, 000 na lalaki kasama ang mga babae at mga bata? Ilang pera ang kailangan naming gastahin para mabigyan man lang kahit tig-iisang tinapay ang bawat isa? Subalit hindi nagpadala ng mga alagad sa kanilang logic. Ibinigay nila ang limang tinapay at dalawang isda. Imposible para mapakain ang libong tao ng kakaunting pagkain. Subalit tinanggap ang mga ito ni Hesus at binasbasan. Naa-appreciate ni Hesus ang efforts natin. Gaano man ito kaliit. Ang Diyos ay handang gumawa ng milagro kung tayo ay mananatiling cooperative sa kanyang mga plano. Sinabi sa Ebanghelyo na silang lahat ay nakakain at nabusog. At nakaipon pa ng labindalawang bakol na tirang tinapay.
Anumang mabuting bagay gaano man kaliit ay papuntang langit. Sabi ni Blessed Teresa of Calcutta: Kung ang bawat isa sa atin ay magdadala ng isang timbang tubig sa Sahara desert, makakabuo tayo ng malaking karagatan. Araw-araw 25, 000 ang namamatay sa gutom. Nasan ang ating pananampalataya? Kailan natin masasabi: Ano ang maari nating maibigay? Sapat na lang bang manalangin at iasa sa Diyos o sa gobyerno ang ganitong suliranin habang marami ang namamatay? Kailan kaya natin masasabi sa ting mga sarili: "Sa kabila ng aking kahinaan at limitasyon, AKO MISMO ang gagawa nito"?
No comments:
Post a Comment