22Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sinasabi ko sa iyo na hindi lamang makapito kundi hanggang makapitumpung pitong ulit.
21Lumapit si Pedro sa kaniya at sinabi: Panginoon, makailang ulit bang magkasala sa akin ang aking kapatid at siya ay aking patatawarin? Hanggang sa makapito ba? 22Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sinasabi ko sa iyo na hindi lamang makapito kundi hanggang makapitumpung pitong ulit. 23Ito ay sapagkat ang paghahari ng langit ay katulad sa isang hari na ibig maningil sa kaniyang mga alipin. 24Nang magsimula na siyang maningil, iniharap sa kaniya ang isa na may utang sa kaniya ng sampung libong talento. 25Ngunit sa dahilang wala siyang maibayad, iniutos ng kaniyang panginoon na ipagbili siya, gayundin ang kaniyang asawa, mga anak at lahat ng kaniyang tinatangkilik upang makabayad. 26Ang alipin nga ay lumuhod at sinamba siya na sinasabi: Panginoon, pagpasensyahan mo muna ako at babayaran kita sa lahat ng utang ko. 27Kaya ang panginoon ng aliping iyon ay nahabag at pinawalan siya at pinatawad ang kaniyang utang.
23Ito ay sapagkat ang paghahari ng langit ay katulad sa isang hari na ibig maningil sa kaniyang mga alipin. 24Nang magsimula na siyang maningil, iniharap sa kaniya ang isa na may utang sa kaniya ng sampung libong talento. 25Ngunit sa dahilang wala siyang maibayad, iniutos ng kaniyang panginoon na ipagbili siya, gayundin ang kaniyang asawa, mga anak at lahat ng kaniyang tinatangkilik upang makabayad.
28Ngunit paglabas ng alipin ding iyon, nakita niya ang kaniyang kapwa alipin na may utang sa kaniya ng isangdaang denaryo. Hinawakan niya ito at sinakal na sinabi: Bayaran mo ang utang mo sa akin.
29Ang kaniyang kapwa alipin ay nagpatirapa sa kaniyang paanan. Nagmakaawa siya sa kaniya na sinasabi: Pagpasensyahan mo ako at babayaran kita sa lahat ng utang ko.
30Ngunit ayaw niyang pumayag. Sa halip, ipinabilanggo niya ito hanggang sa makabayad ng kaniyang utang. 31Kaya nang makita ng mga kapwa niya alipin ang nangyari, labis silang namighati. Lumapit sila sa kanilang panginoon at sinabi sa kaniya ang lahat ng nangyari.
32Kaya, nang maipatawag na siya ng kaniyang panginoon, sinabi sa kaniya: O, ikaw na masamang alipin, pinatawad ko ang lahat mong pagkakautang dahil nagmakaawa ka sa akin. 33Hindi ba nararapat na mahabag ka rin sa iyong kapwa alipin katulad nang pagkahabag ko sa iyo? 34Sa matinding galit ng kaniyang panginoon, ibinigay siya sa mga tagapagpahirap sa bilangguan hanggang sa mabayaran niya ang lahat ng kaniyang utang.
35Gayundin naman ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kapag hindi kayo nagpatawad nang taos sa inyong puso sa bawat kapatid sa kanilang pagsalangsang. (Mateo 18)
Napakadaling sabihin na gusto nating magpatawad subalit kapag dumarating ang mga sitwasyong mabibigat, makikita nating mahirap. Mahirap makipagkasundo sa isang dating kaibigan na kung saan nagkaroon ng lamat ang inyong pagsasamahan. Mahirap pansinin ang isang taong alam mong galit o may hinanakit pa saiyo. Mahirap maibalik ulit sa dati ang pagtitinginan kung may nararramdaman ka pang kabigatan ng loob.
Alam ni Hesus iyan. Kaya't nagkakaroon tayo ng merito kung pinipilit o sinisikap nating gawin ito kahit na mahirap. Kahit na medyo di pa rin tayo at ease sa isang tao o medyo may hinanakit pa rin. Ang importante para sa kanya ay ang ating paggawa ng mabuti. Since Christianity is not about feelings. It is about making correct decisions.
Sa Ebanghelyo natin ay tinatong ni Pedro si Hesus kung ilang beses dapat magpatawad. Ang mga Pariseo noon ay naniniwalang hanggang tatlo lamng ang kapatawaran. Ang kautusan ni Moises ay naninindigan sa kasabihang eye for an eye, tooth for a tooth. Sinabi ni Hesus na: Unless your holiness surpasses the scribes and Pharisees, you will not enter the kingdom of heaven. (Mateo 5:20) Kaya't Lumapit si Pedro sa kaniya at sinabi: Panginoon, makailang ulit bang magkasala sa akin ang aking kapatid at siya ay aking patatawarin? Hanggang sa makapito ba? Akala ni Pedro ay natalo na niya ang Pariseo sa kabanalan. At akala niya ito ang pinakatamang gawin dahil ang pito ay nangangahulugan ng pagiging buo o kumpleto. Subalit, higit pa ang nais ni Hesus. Di lamng buo o perpekto subalit higit pa. Sinasabi ko sa iyo na hindi lamang makapito kundi hanggang makapitumpung pitong ulit.
Sinasabi sa Ebanghelyo na tayong lahat ay nagkakautang ng malaki sa Diyos subalit minsan ay di tayo sinisingil. At sino naman tayo para hindi palampasin ang pagkakautang sa atin ng ating kapwa? Parang mali yata. Dahil madalas nating tingnan ang kasalanan ng iba subalit hindi natin pinapansin ang ating kasalanan sa Diyos na lubhang mas malaki at marami.
Ano kaya ang mangyayari sa mundong walang pagpapatawad? Walang hanggang gulo. Walang hanggang paghihirap at kaguluhan. Sa linggong ito ay ipinagdiriwang natin ang Dekadang Anibersaryo ng 9/11 attack sa World Trade Center ng Estados Unidos. Pagkatapos ng sampung taon, naparusahan na ang mga nagkasala. Hindi pinatawad ng mundo at ng gobyerno ang mga responsable sa terorismong ito. Nagkaroon ng giyera sa Iraq. Patay na si Osama Bin Laden. Subalit, may nangyari ba? Di ba natatakot ang Estados Unidos na muling lumaban uli ang Al-Qaeda? Di ba bantay-sarado ang magkakalabang bansa? Di ba, huwag sanang ipahintulot ng Diyos, pero nagbabanta ang digmaan sa magkakalabang bansa?
Ang nabubuhay sa tabak ay sa tabak mamamatay. (Mateo 26:52) Marahil totoo ito sa sitwasyon natin ngayon. Kapag di tayo natututo magpatawad ay mamamatay tayo sa galit at ito ay paulit-ulit lamang. Sinasabi na kapag di ka nagpatawad, ikaw ay humahawak sa blade ng kutsilyo at isinasaksak mo sa iba nag handle nito. Nasasaktan nga ang iyong sinasaksak subalit ikaw ang mas nasusugatan sa patuloy mong paghawak sa blade. Patuloy kang masusugatan dahil sa di ka malaya at patuloy kang nakakulong sa rehas ng galit at poot.
Si MOhandas Gandhi ay bantog sa kanyang Principle of Non-violence. Dahil sa kanyang patuloy na pakikilaban, gamit ang walang karahasan. Dahil sa kanyang maayos na pakikiusap at mapayapang pagproprotesta ay nakalaya ang India sa kamay ng mga Ingles. Dito rin sa ating bansa, nakaalis tayo sa diktadurya dahil sa ating pagkakaisa na di gumagamit ng karahasan. Noong EDSA Revolution, tayo ay nanindigan at natalo ng ating mga panalangin ang mga tangke ng sundalo. Sa ngayon, kahit may mga problema pa rin tayo sa ekonomiya, sa lipunan at moralidad, ang aral na iyon ay nananatili at naging handog natin sa buong mundo.
Hindi natin kailangan ang karahasan subalit ang pagpapatawad lamng ang siyang magbibigay ng tunay na kapayapaan. Nawa'y ang aral na ito ay patuloy nating magamit sa pang-arawaraw na pangyayari sa ating buhay.
No comments:
Post a Comment